Home
KORNIC.hristine
July 8, 2009delicious kornik.. i love the crisp and sounds while eating it.
what can you say about the pictures Ms. Christine Pura soon to be Mrs. Cantago.. nice shots.. is it?
BAKIT ANG MGA KAIBIGAN QU KURIPOT?…
June 17, 2009Bakit ang mga kaibigan ko kuripot mglud?… ek kapag lalaki nmn ngtext mabilis pa sa alas-4 magtex?…
uo lalo ka na LAMBERTO!!!… tgal mu mgtex ha…
kaw nmn ULAN kpg kw pumapatak basa lahat!…
kaw nmn DYOSA(uy… ng-isip kung cnu?) DYOSA ng pier, airport and etc… naglalagay k n ng pics s frendster mu asensado!…
Kaw naman WORKING DIVA!… (karenderia) ahahaha… salamat salahat.. wala ako msbi sau kasi baka lam mu na… ahahaha
Kaw nmn NAVY… nu na itsura mu?… grabe na cguro payat mu noh?…
at huli uo kaw nga PUSA… kmusta kana?… kpitbahay lng tau pero long time no see&tex ah?… pramdam ka
nmn!…
Lovingly Yours..
>
>
>
Evz!… (hahaha)
happy birthday!
June 16, 2009happy birthday my friend”
!!happy happy birthday sol!!
vote in the name of love
April 11, 2009Eleksyon na! Magulo na naman. Magulo na naman ang utak ng maraming tao. Manggugulo na naman ang ilang mga walang magawang matino.
Huwag sana. Huwag sanang magulo ang ating utak. Tutulan natin ang kagulohan. Tutulan natin ang kalokohan.
Labanan natin ang mga magugulo. Labanan natin ang mga bumibili ng boto upang mailuklok sa pwesto ang ‘di mga karapatdapat na tao. Huwag nating ipagpalit sa kaunting barya ang kinabukasan ng ating bansa.
Eleksyon na. Gumising ng maaga. Langhapin ang simoy ng hangin. Tumingala sa langit. Umusal ng kahit maikling dasal sa inyong panginoon. Pumunta sa presinto ng maaga. Bantayan ang pagsisimula ng botohan. Bantayan ang inyong mga boto.
Maswerte pa rin tayo. May eleksyon dito. Isipin n’yo kung wala. May pasok sana sa Lunes, di ba? Isipin n’yo kung walang eleksyon. Wala sanang nakasabit na papel sa mga puno, wala sanang mga bagong lyrics ang mga sikat na kanta, wala sanang kita ang mga imprenta at midya.
Lagi nating sinasabi, may dalawang mukha ang mga bagay, ang mga sitwasyon, ang mga kaganapan, ang kasaysayan. Kung may saya, may lungkot, kung may iniluluwal na sanggol, may namamatay. Sana huwag nating makasanayan na kaakibat ng eleksyon ay dayaan. Huwag nating makasanayan na sa bawat halalan dito sa ating bayan may namamatay dahil sa karahasan.
Masarap mangarap. Lahat naman tayo siguro may mga pangarap. May nangangarap maging presidente, may nangangarap maging doktor, nars, abugado, senador, kongresista, pulitiko, yumaman, magka-syota ng maganda, magka-boypren ng pogi, mamatay na nakangiti.
Natatawa ako, minsan naman nalilito, kapag sinasabi ng mga pulitiko na ang pangarap nila ay ang kabutihan ng marami, ang maiangat ang kakayanan ng mga mahihirap, ang mapaganda ang bukas, ang matupad ang mga pangarap ng iba. E bakit pa sila kumandidato? Bakit ‘di na lang sila tumulong sa mga ‘di nakakaangat sa lipunan? Bakit kailangan pang maging mayor, gubernador, kongresman, senador?
Pangarap ko noon na maging magsasaka. Naudlot ang pangarap na ito nang malaman kong wala pala kaming sariling lupa. Nangarap din ako minsan na makapagsilbi sa Diyos at bayan. Patuloy pa rin ang pangarap na ito subalit sa ibang paraan kaysa sa aking nasimulan. Marami pa rin akong pangarap, tulad n’yo siguro. Pangarap ko na magkakaroon tayo ng matitinong pulitiko na karapatdapat iboto.
Pangarap ko ngayon na lahat na manggagawa’t magsasaka, kababaihan, kalalakihan, bading at lesbian ay magkakaroon ng mga lider na tunay na magsusulong sa mga batayang karapatan.
Nasa ating mga kamay ang katuparan ng mga pangarap na ito. Nasa ating mga boto, sa isa nating boto, na dapat nating pahalagaan, dapat nating ipaglaban. Sa darating na Lunes, sa darating na eleksyon, bantayan ang inyong boto. Nakasalalay dito ang katuparan ng lahat ng ating mga pangarap hindi lamang para sa bayan kundi para sa ating kinabukasan… hayeklavu







